Magagawa Natin(F11EP-Ic-30)
Dito sa Pilipinas...
Napakaraming aso at pusa ang gumagala sa
lansangan at ito’y maaaring pagbuhatan ng iba’t
ibang uri ng sakit at pagkalat ng rabies.
Pakiusap...
Maiiwasan ang mga ito kung tayo’y magiging
responsableng may-ari sa ating mga alagang hayop.
1. Tamang pagpili ng alagang hayop.
- Bago kumuha ng aso o tuta, tignan ang inyong pamumuhay. Suriing mabuti kung may kakayanan, panahon at oras. Marami sa mga problema sa alaga ang nagmumula sa di gaanong pagpansin at pagexercise sa alagang hayop.
- Ang asong kinukulong at tinatali lamang ay nagiging masyadong maingay. Ang asong gumagala naman nang hindi naka-leash o nakatali o walang superbisyon ng may-ari ay nagkakalat, nakikipag-away sa ibang aso at maaaring mangagat ng tao o bata.
- Kung mag-iisip muna ang bawat tao bago sila kumuha ng aso, marami sa mga suliranin natin ukol sa mga stray dogs o gumagalang hayop ang maiiwasan.
Spaying - ang tamang pamamaraan sa pagkapon
o pagtatanggal ng reproductive organs (ovaries,
uterus,fallopian tubes) ng babaeng aso.
Neutering (kapon) - ang tamang pamamaraan
sa pagkapon o pagtatanggal ng reproductive glands (testes) ng lalaking aso.
Ito ang mga tamang paraan upang:
- maiwasan ang pagdami ng di kinakailangang (unwanted) aso
- maiwasan ang cancer at iba’t ibang sakit na dulot ng sunod-sunod na panganganak ng inyong alaga.
- mas magiging matiwasay at kuntento ang kanilang pag-uugali
- maiwasan ang paggala at pagiging pala-away sa ibang aso. Magtanong sa inyong beterinaryo o tumawag sa PAWS tungkol sa pagkapon.
3. Gumamit ng dog tag.
- Karaniwang dahilan kung bakit maraming nawawalang aso ay dahil walang identification.
- Ilagay sa dog tag ang pangalan ng aso o pusa at ang telepono ng may-ari.
- Panatilihin silang nasa loob ng inyong bahay o bakuran.
4. Pangalagaan ang kalusugan ng inyong alagang aso.
- bigyan ang inyong aso ng regular exercise o ilakad sila araw-araw
- paliguan nang regular ang inyong alaga at panatilihin ang kanilang kalinisan
- bigyan sila ng panahon at pagmamahal
- dalhin ang inyong alaga sa beterinaryo kahit isang beses sa isang taon para sa kinakailangang bakuna.
TANDAAN:
Walang Asong gala, kung walang taong pabaya.
Tulungan natin ang ating pamayanan, maging responsableng tagapag-alaga ng hayop.
Sa patnubay ng mahal naming guro na si Jonathan PsycheGuru Galicia




No comments:
Post a Comment